Inaanyayahan namin ang mga interesadong manunulat na magpasa ng mga akda sa kahit anong anyo (tula, kuwento, sanaysay, o anuman) na nasusulat sa Filipino para sa hal. –  web journal na lalabas tatlong beses sa isang taon. Ilalathala ang unang isyu sa Disyembre 2011.

Maaaring magpasa hanggang sa ika-31 ng Oktobre 2011. Walang takdang haba o bilang ng pahina para sa mga kontribusyon.

Ipadala ang inyong mga kontribusyon sa hal.dyornal@gmail.com (ilagay sa subject heading: hal.unang isyu). Mangyaring pakipasa sa iba ang paanyayang ito. Maraming salamat.

 

 

Joseph de Luna Saguid

Oliver Ortega

Mesandel Virtusio Arguelles

(Mga Editor ng Isyu)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.