setyembre 16

16/09/2011

bago pumasok ng expressway huminto ang bus. bumaba ang drayber, may tiningnan. pagkuwan, nasiraan daw; pinababa na ang mga pasahero. pinalibutan ng mga pasahero ang konduktor para sa pagsosoli ng pamasahe. bago pa maisoli ng konduktor ang lahat ng pamasahe, tumawag ang drayber—maaari na raw muling sumakay, ayos na raw ang bus. hindi malaman kung maiinis na matatawa ng mga pasahero sa gayong munting abala/aberya habang muling sumasampa sa bus.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.